Orange warning nakataas sa maraming bayan sa Northern Cagayan

Nakataas pa rin ang Orange warning level sa maraming bayan sa Cagayan.

Sa heavy rainfall warning ng PAGASA alas 2:00 ng hapon ng Huwebes, Dec. 5, nakararanas pa rin ng tuluy-tuloy at malakas na pag-ulan ang malaking bahagi ng Northern Cagayan.

Kabilang sa nakasailalim sa orange warning level ang mga sumusunod na bayan:

– Abulug
– Allacapan
– Aparri
– Baggao
– Ballesteros
– Buguey
– Camalanuigan
– Claveria
– Gattaran
– Gonzaga
– Lasam
– Lallo
– Pamplona
– Santa Ana
– Santa Teresita
– Sanchez Mira

Yellow warning level naman ang nakataas sa:

– Apayao
– nalalabing bahagi ng Cagayan
– Camiguin Island
– Babuyan Island

Inabisuhan ang mga residente na maging alerto sa nararanasang lagay ng panahon.

Read more...