Magat dam magpapakawala ng tubig bukas ng umaga

By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2019 - 02:40 PM

Magpapakawala ng tubig ang Magat dam bukas ng umaga.

Inabisuhan na ang mga residente na nakatira sa mga mabababang lugar at malapit sa ilog sa Isabela at Cagayan sa gagawing pagpapakawala ng tubig.

Alas 7:00 ng umaga bukas, Dec. 6 gagawin ang papakawala ng tubig na aabot sa 200cms.

Sa abiso ng National Irrgation Administration, maari pang madagdagan ang dami ng ire-release ng tubig depende sa lakas pa ng ulang mararanasan sa magdamag.

TAGS: bukas ng umaga, Dec 6, ilog sa Isabela at Cagayan, Magat Dam, magpapakawala ng tubig, bukas ng umaga, Dec 6, ilog sa Isabela at Cagayan, Magat Dam, magpapakawala ng tubig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.