Water level sa Buntun Bridge nasa 11.76 meters na
By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2019 - 01:13 PM
Patuloy pang tumataas ang water level sa Buntun Bridge sa Cagayan.
Alas 12:00 ng tanghali ng Huwebes, December 5 nasa 11.76 meters ang water level sa Buntun Bridge.
Nananatili itong nasa critical level.
Ayon sa Cagayan Provincial Information office sa susunod na 24 na oras ay patuloy na makararanas ng pagbaha sa mga lugar na malapit sa Cagayan River.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.