Pamahalaan hindi magbabayad ng P7.3B sa Manila Water

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na bayaran ang mahigit 7 bilyong pisong arbitration case na napanalunan ng Manila Water sa arbitral tribunal sa Singapore.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa una pa lamang tagilid na kasi ang kontrata na pinasok ng Manila Water sa gobyerno.

Masyado aniyang agrabyado ang pamahalaan sa nasabing kasinduan.

Sinisingil ng Ayala led na Manila Water ang pamahalaan ng mahigit pitong bilyong pisong danyos dahil sa pagharang sa pagtataas ng singil sa tubig may ilang taon na ang nakararaan.

Sa ngayon ayon kay Panelo, ang Department of Justice (DoJ) na ang bahalang magsampa ng kasong economic sabotage sa mga may-ari ng Manila Water maging sa Maynilad.

Read more...