3 sugatan sa insidente ng pamamaril sa Pearl Harbor base sa Hawaii
Tatlo ang nasugatan, dalawa sa kanila ay kritikal ang kondisyon makaraang mamaril ang isang lalaki sa Pearl Harbor Naval Shipyard sa Hawaii.
Pagkatapos magpaputok ng baril ay nagbaril din sa sarili ang suspek.
Dahil sa insidente nagpatupad ng lockdown sa naturang US base.
Magkakasunod na putok ang narinig ng at nakita na lamang ang tatlong biktima na duguan.
Ayon sa mga testigo, nakita nila ang gunman na nakasuot ng parang uniporme ng navy o sailor.
Hindi pa naman tinutukoy ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.