Orange warning level nakataas pa rin sa Cagayan
Orange Warning level pa rin ang nakataas sa lalawigan ng Cagayan.
Ito ay bunsod ng tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan na nararanasan sa lalawigan.
Dahil sa pag-ulan na dulot ng Tail end of a Cold Front marami nang lugar sa Cagayan ang binabaha.
Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 11:00 ng umaga ng Dec. 5 ay yellow warning level naman ang nakataas sa Apayao at sa Fuga Island.
Light to moderate rains naman ang aasahan sa expected Camiguin Island, Ilocos Norte (Adams, Bangui, Dumalneg at Pagudpud) sa susunod na mga oras.
Habang nakararanas na din ng light to moderate rains sa Calayan Island, Dalupiri Island, Isabela(Cordon, Divilacan, Echague, Ilagan City, Jones, Maconacon, San Agustin, San Pablo at Santiago City).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.