Bahagi ng Grand Boulevard Hotel sa Maynila tinupok ng apoy

Tinupok ng apoy ang bahagi ng Grand Boulevard Hotel sa Malate, Maynila.

Nagsimula ang sunog pasado alas 9:00 ng umaga ng Huwebes, December 5.

Ayon sa Manila Fire District, hindi naman na nagkaroon ng alarma ang sunog dahil agad nakontrol ang pagkalat ng apoy.

Alas 10:25 ng umaga nang ideklarang fire out na ang sunog.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog pero napag-alam ng fire bureau na under renovation ang naturang gusali.

Ligtas naman ang mga trabahador sa gusali.

Read more...