Walong bayan sa Cagayan Valley apektado ng pagbaha
Walong mga bayan sa Cagayan Valley ang apektado ng pagbaha.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Cagayan Gov. Manuel Mamba, nasa red alert status na ang lahat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa Cagayan.
Partikular na apektado ang Tuguegarao City at mga bayan ng Amulung, Alcala, Baggao, Tuao, Rizal, Lasam at Allacapan.
Sa Barangay Centro 4 at 11 sa Tuguegarao City iniutos na ang paglilikas sa mga residente dahil sa malawakang pagbaha.
Umabot na sa halos 3,000 residente sa Cagayan ang apektado ng pagbaha.
Ayon sa Cagayan Provincial Information Office sa ngayon mayroong 326 na katao ang nasa 11 evacuation centers ang inilikas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.