LOOK: Sitwasyon sa maraming bayan sa Cagayan bunsod ng patuloy na pag-ulan

By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2019 - 10:07 AM

Maraming bayan rin sa lalawigan ng Cagayan ang binabaha.

Apektado ng pag-ulan na dulot ng tail end ng cold front ang maraming bayan sa Cagayan Valley.

Sa Barangay Centro 10, Tuguegarao City nagsagawa ng rescue operations ang mga tauhan ng Task Force Lingkod, Cagayan.

Ito ay matapos na umabot na sa ikalawang palapag ng mga bahay ang tubig baha.

Wala nang pasok ngayon sa mga paaralan at wala ring pasok sa trabaho sa gobyerno at mga pribadong kumpanya sa lungsod.

Sa buong Cagayan Valley naman suspendido ang kalse sa lahat ng antas at nagpatupad na rin ng liquor ban.

Nagkaroon naman ng landslide sa bahagi ng Masisit at Assasi sa Baggao, Cagayan.

 

TAGS: #TisoyPH, Cagayan, flashflood, ITCZ, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, weather, #TisoyPH, Cagayan, flashflood, ITCZ, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.