Water level sa Buntun Bridge, Cagayan lalo pang tumaas

By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2019 - 08:46 AM

Lalo pang tumaas ang antas ng tubig sa Buntun Bridge sa Cagayan.

Alas 8:00 ng umaga ng Huwebes, Dec. 5, 11 meters na ang water level sa Buntun Bridge.

Ayon sa Cagayan Public Information Office nakapagtala ng mabilis na pagtaas ng water level sa nakalipas na magdamag.

Nasa critical level na ang water level sa Buntun at inaasahang madaragdagan pa ang antas ng tubig sa susunod na mga oras.

Nagpatupad naman na ng preemptive evacuation sa mga naninirahan malapit sa ilog sa Cagayan.

Mayroon ding 10 kalsada at tulay na hindi madaanan ng mga motorista sa lalawigan.

TAGS: buntun bridge, Cagayan, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, water level, buntun bridge, Cagayan, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.