Iba pang kontrata ng private companies sa pamahalaan bubusisiin na rin

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan na busisiin na rin ang iba pang kontrata ng pribadong kompanya sa gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ay para maayos ang mga kontratang tagilid na nakalulugi sa gobyerno at sa taong bayan.

Ayon kay Panelo, hindi lang ang kontrata ng Maynilad at Manila Water ang sinisilip ngayon ng Department of Justice (DoJ) kundi maging ang iba pang kontrata.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte noong Martes ng gabi, pinagbantaan din nito ang mga kompanya ng telekomunikasyon na umayos-ayos na.

Ayon sa pangulo, magiging madugo rin ang kanyang kampanya laban sa mga oligarchs na hindi maayos na nagbabayad ng buwis sa gobyerno.

Read more...