Ilagan City, Isabela isinailalim sa state of calamity; 41 barangay lubog sa baha
By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2019 - 08:27 AM
Nagdeklara na rin ng state of calamity sa Ilagan City sa Isabela.
Ayon kay Ilagan City Mayor Josemarie Diaz, 41 barangay sa Ilagan City ang apektado ng pagbaha.
Apektado ng pagbaha ang nasa 10,349 na mga pamilya o katumabs ng mahigit 30,000 katao.
Sa Barangay Marana halos umabot na sa bubungan ng mga bahay ang tubig-baha.
Matinding pagbaha na rin ang nararanasan sa Alinguigan 3rd at halos uambot na sa 2nd floor ng mga bahay ang tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.