15 pasahero nananatiling stranded sa Port of Real sa Quezon
By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2019 - 08:07 AM
Labinglimang pasahero na lang ang nananatiling stranded sa pantalan sa Southern Tagalog.
Sa update ng Philippine Coast Guard (PCG), alas 4:00 ng umaga ng Huwebes, Dec. 5 ay 15 na lang ang stranded na pasahero sa Port of Real.
Mayroon ding dalawa pang rolling cargoes, 8 barko at 14 na motorbanca na stranded.
Noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Tisoy ay umabot sa libu-libong pasahero ang naistranded sa mga pantalan sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.