US bishop na inakusahan ng cover-up sa sex abuse case nagbitiw sa pwesto
Nagbitiw sa pwesto ang isang obispo sa New York dahil na una nang inakusahan ng cover-up sa isang sex abuse incident.
Tinanggap ni Pope Francis ang resignation ni Bishop Richard Malone ng Buffalo, New York.
Agad namang itinalaga ni Pope Francis si Albany Bishop Edward Scharfenberger na pansamantalang mamumuno sa Buffalo diocese habang hinihintay ang ipapalit kay Malone.
Si Malone, 73 anyos ay nagbitiw dalawang taon bago ang kaniyang retirement.
Inaakusahan kasi siya ng cover up sa mga kasong pang-aabusong kinasangkuta ng ilang pari sa kaniyang diocese.
Ang diocese ng Bufallo ay mayroong kinakaharap na 200 child sex abuse case.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.