#WALANGPASOK: Pasok sa trabaho sa gobyerno at mga pribadong kumpanya suspendido sa Tugugegarao City

Sinuspinde ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano ang pasok sa trabaho gobyerno at maging sa mga pribadong kumpanya sa lungsod ngayong araw, December 5.

Ito ay dahil sa patuloy na pag-ulang nararanasan sa Cagayan na nagdulot na ng pagbaha sa ilang bahagi ng lungsod.

Ayon kay Soriano, para masiguro ang kaligtasan ng mga residente ay mabuting manatili na lamang sila sakanlang mga tahanan.

Una nang sinuspinde ni Soriano ang pasok sa lahat ng antas sa mga paaralan lungsod.

Read more...