outbrain

Misis ng aktor na si Matt Evans inaresto sa kasong estafa

By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2019 - 05:57 AM

Arestado ang misis ng aktor na si Matt Evans dahil sa kinakaharap niyang kasong estafa.

Dinakip ang 32 anyos na si Riza Katrina Evans sa bisa ng warrant of arrest sa kinakaharap niyang estafa case sa Makati Metropolitan Trial Court Branch 66-A.

Ayon kay Police Maj. Gideon Ines ng Makati City Police, maliban sa kasong estafa si Katrina Evans ay may kinakaharap ding kasong cyberbullying sa Cebu.

Nakapagpiyansa ito para sa nasabing kaso.

P30,000 ang inirekomenda namang piyansa para sa kasong estafa ni Katrina Evans.

Ang kasong estafa ay may kaugnayan sa dating negosyo ng mag-asawa.

TAGS: katrina evans, matt evans, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, katrina evans, matt evans, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.