Ayon kay Quezon Governor Danilo Suarez, malaki ang naging pinsala ng bagyo sa lalawigan sa mga ari-arian.
Sapul din ang pagniniyog na isa sa pangunahing hanapbuhay sa Quezon.
Sa ngayon ay humihingi na ng tulong ang lalawigan sa pambansang pamahalaan para ayudahan ang mga apektado ng bagyo.
Una nang nagdeklara ng state of calamity ang mga sumusunod na lugar dahil sa pinsala ng bagyo:
– Sorsogon
– Albay
– Camarines Sur
– Calbayog at Arteche sa Eastern Samar
Sa pamamagitan ng deklarasyon ng state of calamity, magagamit na ng mga pamahalaang lokal ang kanilang calamity funds.
READ NEXT
Bagyong #Tisoy lalabas na ng PAR; Amihan, tail-end of a cold front magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon
MOST READ
LATEST STORIES