2 sugatan sa sunog sa Maynila, 5 bahay naman nasunog sa Mandaluyong

By Erwin Aguilon, Ruel Perez January 22, 2016 - 07:00 AM

Kuha ni Phillip Roncales
Kuha ni Phillip Roncales

Sugatan ang mag-ina sa sunog na naganap sa kanilang bahay sa Sampaloc Maynila, Biyernes ng umaga.

Ayon sa Manila Bureau of Fire, pasado alas 5:00 ng umaga nang magsimulang sumiklab ang apoy sa dalawang palabag na bahay sa kanto ng Blumentritt at Simon Street sa Sampaloc.

Dahil sa nasabing sunog nagtamo ng sugat sa kaniyang mukha ang may-ari ng bahay na si Jesusa Esguerra at nagtamo rin ng 1st degree burn sa kaniyang kaliwang tenga ang 21-anyos niyang si Albert.

Nadamay din sa sunog ang siyam pang kalapit na bahay at tinatayang aabot sa sa 100,000 ang halaga ng tinupok ng apoy.

Hindi naman na lumaki pa ang apoy at hindi na nagkaroon pa ng alarma dahil mabilis na naapula ng mga bumbero.

Samantala, nasunog naman ang limang bahay sa Pantaleon Street, Barangay Barangka Itaas, Mandaluyong City.

Nagsimula ang sunog alas 4:55 ng umaga na agad itinaas sa 4th alarm dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.

Pawang gawa kasi sa light materials ang mga nasunog na bahay.

12620367_960007444065814_265360497_o
Kuha ni Ruel Perez

Ayon sa Mandaluyong City Fire Bureau, agad ding naapula ang apoy at naideklarang fire out alas 6:11 ng umaga.

Wala ring nasaktan o nasugatan sa naganap na sunog maliban sa isang lola na dumaing ng hirap sa paghinga matapos makalanghap ng sunog.

Tinatayang aabot sa P250,000 ang halaga na natupok na mga ari-arian sa nasabing sunog sa Mandaluyong.

TAGS: Fire hits residential areas in Manila and Mandaluyong Friday morning, Fire hits residential areas in Manila and Mandaluyong Friday morning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.