Sa kanyang Administrative Order 19 na nilagdaan noong December 2, sinabi ng pangulo na ang incentive ay biilang pagkilala sa partisipasyon ng mga empleyado sa maayos na proseso at serbisyo ng gobyerno.
Kabilang sa maaaring makatanggap ng SRI ay ang mga civilian personnel sa national government agencies kabilang ang state universities and colleges, government owned or controlled corporations, at uniformed personnel sa ilalim ng Departments of National Defense, Interior and Local Government, Health, Transportation, at Environment and Natural Resources.
Kailangang ang empleyado ay nasa trabaho sa gobyerno hanggang November 30 at nagserbisyo ng apat na buwan o higit pa mula noong September 30.
Pro-rated naman ang matatanggap na SRI ng mga empleyado na mababa sa apat na buwan pa lang ang serbisyo.
Una nang inanunsyo ng pangulo ang P60,000 na Christmas bonus sa lahat ng empleyado ng Office of the President.