Duterte inaprubahan ang P10K service recognition incentive para sa gov’t workers

By Rhommel Balasbas December 05, 2019 - 03:26 AM

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang service recognition incentive na hanggang P10,000 para sa mga manggagawa ng gobyerno sa ilalim ng sangay ng ehekutibo.

Sa kanyang Administrative Order 19 na nilagdaan noong December 2, sinabi ng pangulo na ang incentive ay biilang pagkilala sa partisipasyon ng mga empleyado sa maayos na proseso at serbisyo ng gobyerno.

Kabilang sa maaaring makatanggap ng SRI ay ang mga civilian personnel sa national government agencies kabilang ang state universities and colleges, government owned or controlled corporations, at uniformed personnel sa ilalim ng Departments of National Defense, Interior and Local Government, Health, Transportation, at Environment and Natural Resources.

Kailangang ang empleyado ay nasa trabaho sa gobyerno hanggang November 30 at nagserbisyo ng apat na buwan o higit pa mula noong September 30.

Pro-rated naman ang matatanggap na SRI ng mga empleyado na mababa sa apat na buwan pa lang ang serbisyo.

Una nang inanunsyo ng pangulo ang P60,000 na Christmas bonus sa lahat ng empleyado ng Office of the President.

TAGS: Administrative Order 19, cash incentive, executive department, government workers, Rodrigo Duterte, service recognition incentive, Administrative Order 19, cash incentive, executive department, government workers, Rodrigo Duterte, service recognition incentive

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.