Duterte inaasahang bibisita sa Albay ngayong araw para tingnan ang pinsala ng bagyo
Inaasahang bibisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Legazpi City ngayong araw para inspeksyunin ang pinsala ng Bagyong Tisoy sa lalawigan ng Albay.
Ayon kay Office of Civil Defense – Bicol head Claudio Yucot, may ginawang paghahanda para sa isang pulong ng disaster management councils ng pambansa at lokal na pamahalaan na pangungunahan mismo ni Pangulong Duterte.
Inaasahang tutungo ang pangulo sa Legazpi Airport passenger terminal para mag-inspeksyon.
Matatandaang isa ang airport sa mga nasirang bagyo.
Pagkatapos ng inspeksyon sa airport, inaasahang tutungo ang pangulo sa Legazpi City Convention Center para sa pulong ng disaster management councils.
Inaasahang kasama ng pangulo ang national disaster management officials at iba pang opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.