Bagyong #TisoyPH patuloy sa paghina, isa na lang tropical storm

Patuloy sa paghina ang Bagyong Tisoy dahil sa bugso ng northeast monsoon o Amihan.

Ayon sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 420 kilometro Kanluran ng Subic, Zambales.

Isa na lang ito ngayong tropical storm taglay ang lakas ng hanging aabot sa 75 km bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 km kada oras.

Kumikilos ang bagyo pa-Kanluran sa bilis na 10 km bawat oras.

Sa ngayon, wala nang direktang epekto ang Bagyong Tisoy sa bansa.

Lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) Huwebes ng umaga at inaasahang hihina pa at magiging low pressure area (LPA) sa loob ng 24 oras.

Samantala, posibleng maranasan pa rin ang malalakas na ulan sa Northern Luzon at Aurora dahil sa Amihan.

Nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa seaboards ng Northern at Central Luzon at eastern at western seaboards ng Southern Luzon.

Read more...