PNP, paiigtingin ang operasyon vs bandalismo
Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang operasyon kontra sa bandalismo.
Ito ay matapos maglabas ng kautusan ang Department of Interior and Local Government (DILG) na arestuhin ang mga maglalagay ng bandalismo sa mga pampublikong lugar.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na tutugon sa nasabing direktiba ang kanilang hanay.
Paglilinaw naman ng DILG, hindi layon ng kautusan na pigilan ang freedom of expression sa bansa.
Matatandaang apat na miyembro ng Panday Sining National ang inaresto sa Maynila dahil sa umano’y pagkakasangkot sa iniwang bandalismo sa bahagi ng Recto Avenue.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.