Bagyong #TisoyPH, hindi na direktang nakakaapekto sa bansa – PAGASA

By Angellic Jordan December 04, 2019 - 06:47 PM

Photo grab from DOST PAGASA’s website

Patuloy na ang paglayo ng Bagyong Tisoy sa kalupaan ng bansa, ayon sa PAGASA.

Sa weather update bandang 5:00 ng hapon, sinabi ni weather specialist Raymond Ordinario na ang bagyo ay nasa bahagi na ng West Philippine Sea.

Huli itong namataan sa layong 380 kilometers Kanlurang bahagi ng Subic, Zambales bandang 3:00 ng hapon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.

Tinatahak pa rin nito ang direksyong West Northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.

Gayunman, sinabi ni Ordinario na hindi na ito direktang nakakaapekto sa bans.

Inaasahan aniyang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bandang Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga.

Umiiral na lamang aniya ang Northeast Monsoon sa malaking bahagi ng Luzon.

Dahil dito, makararanas aniya ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Central Luzon.

Samantala, sinabi ni Ordinario na mayroong binabantayang low pressure area (LPA) sa labas ng bansa.

Maliit aniya ang tsansa na lumakas ito at maging isang ganap na bagyo.

Ibig-sabihin, sinabi ni Ordinario na walang papasok na bagyo hanggang sa darating na weekend.

TAGS: #TisoyPH, Bagyong "Tisoy", LPA, Northeast monsoon, Pagasa, Philippine Area of Responsibility, West Philippine Sea, #TisoyPH, Bagyong "Tisoy", LPA, Northeast monsoon, Pagasa, Philippine Area of Responsibility, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.