ABS-CBN franchise, hindi na uusad sa Kamara sa 2019

By Erwin Aguilon December 04, 2019 - 04:38 PM

Sa susunod na taon na maisasalang sa pagdinig ng komite sa Kamara ang mga naihaing bill para sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, alam naman ng ABS-CBN na uunahin ng Kamara ang budget at revenue bills.

Sabi ni Cayetano, mahaba pa naman ang panahon ng Kongreso sa Enero hanggang Pebrero ng susunod na taon para aksyunan ang ibang bills, at March pa rin anya mag-eexpire ang franchise ng TV network.

Gayunman, hindi masabi ng Speaker kung mare-renew ang prangkisa ng ABS-CBN sa 2020 dahil depende umano ito sa kalalabasan ng hearings sa komite.

Pero pagtitiyak nito, magiging patas ang Kongreso.

Iginagalang anya ng Kamara ang stand ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga isyu at alam nilang nirerespeto rin naman ng Presidente ang proseso.

Una rito, sinabi ng Pangulo na huwag nang umasa ang ABS-CBN na mare-renew ang kanilang franchise dahil sisiguruhin niya daw na magtatapos na ito sa susunod na taon.

TAGS: 18th congress, ABS-CBN franchise, Alan Peter Cayetano, franchise renewal, renewal of franchise, 18th congress, ABS-CBN franchise, Alan Peter Cayetano, franchise renewal, renewal of franchise

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.