Klase sa Albay, suspendido hanggang Dec. 8

Mananatiling suspendido ang klase sa Albay hanggang sa araw ng Linggo, December 8.

Sa Facebook, sinabi ni Gov. Al Francis Bichara na ito ay bunsod pa rin ng Typhoon “Tisoy.”

Inirekomenda aniya ng PDRRMC Albay ang suspensyon hanggang December 8.

Sakop nito ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa nasabing probinsya.

Magbabalik naman ang klase sa Lunes, December 9.

Read more...