LOOK: Mga opisyal ng Manila City Jail, nagsagawa ng tree planting activity sa Arroceros Park

Nagsagawa ng tree planting activity ang ilang opisyal ng Manila City Jail sa Arroceros Park sa lungsod.

Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), pinangunahan ang aktibidad ng mga mail dorm personnel ng nasabing piitan katuwang ang ALS mobile teachers at representante mula sa Ignacio Villamor Senior High School.

Nasa mahigit 100 puno ng Narra at Talisay ang naitanim sa parke.

Ayon pa sa Manila PIO, naging posible ang aktibidad sa tulong ng Department of Education (DepEd), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mga empleyado ng parke.

Read more...