6 na bagong bagon ng PNR, patungo nang Pilipinas
Patungo nang Pilipinas ang anim na bagong bagon ng Philippine National Railways (PNR).
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), bahagi ito ng kabuuang 37 railcars at 3 locomotives na binili ng PNR mula sa Indonesia.
Isinakay ang 6 na railcars sa MV Zea Challenger at inaasahang darating sa bansa sa December 9.
Ang mga nasabing bagon ang bubuo sa dalawang train set na Diesel Multiple Unit (DMU).
Itatalaga ang mga bagon sa rutang Tutuban-FTI at Malabon-FTI.
Oras na isalang sa linya ng tren, inaasahang nasa 18 hanggang 20 ang biyahe nito kada araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.