Yellow rainfall warning, nakataas sa Cagayan, Apayao at Isabela

Patuloy na nakararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa abiso ng PAGASA bandang 2:55 ng hapon, ito ay bunsod ng umiiral na Northeast Monsoon at Bagyong Tisoy.

Nakataas sa yellow rainfall warning ang Cagayan, Apayao at Isabela partikular sa SanMaria, SanPablo, DelfinAlbano, Maconacon, IlaganCity, Cabagan Tumauini at Divilacan.

Ayon pa sa weather bureau, makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Babuyan Island, Camiguin Island, Abra(Lacub at Tineg), Isabela (Echague, Jones, Ramon, San Agustin, Santiago City), Kalinga at MountainProvince (Natonin at Paracelis) sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management office na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...