Sa huling tala ng Philippine Coast Guard (PCG) bandang 8:00 ng umaga, nasa kabuuang 3,074 ang stranded na pasahero sa mga pantalan sa bahagi ng Central Visayas, Southern Tagalog, Western Visayas, at Bicol.
Pansamantalang suspendido ang operasyon ng 878 rolling cargoes, 29 vessels at 9 motorbancas dahil sa lagay ng panahon.
Hindi pa rin nakakabiyahe ang 139 vessels at 51 motorbancas.
Tiniyak naman ng PCG na istrikto nilang ipinatutupad ang mga panuntunan sa paglalagay ng mga sasakyang-pandagat tuwing masungit ang panahon.
READ NEXT
WATCH: PHISGOC, inaruga ang mga na-stranded na SEA games delegates at athletes dahil sa bagyong #TisoyPH
MOST READ
LATEST STORIES