Patay sa Bagyong Tisoy umakyat na sa 11

By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2019 - 12:02 PM

Labingisang katao na ang naitalang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Tisoy sa bansa.

Lima sa mga nasawi ay mula sa Bicol region ayon sa police regional office.

Sa Mimaropa region, lima din ang naitalang nasawi sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo. Tatlo sa kanila ay nabagsakan ng puno habang ang dalawang iba pa ay inatake sa puso.

Isa rin ang nasawi sa Ormoc City matapos mabagsakan ng puno.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) umabot sa 458,020 na katao ang inilikas at dinala sa mga evacuation center, habang mayroon pang 37,388 na katao na nakituloy sa kaanak at kaibigan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal sinabi nitong wala pa silang inilalabas na official death toll.

Kailangan kasi aniyang matiyak ang dahilan ng pagkasawi bago nila ito isapubliko dahil ang mga nasawi sa bagyo ay entitled sa financial assistance mula sa pamahalaan.

Nagpakalat na ang NDRRMC ng mga team sa mga lugar na apektado ng bagyo para magsagawa ng assessment.

TAGS: Bagyong "Tisoy", death toll, NDRRMC, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bagyong "Tisoy", death toll, NDRRMC, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.