Bagyong Tisoy humina pa; wala nang nakataas na tropical cyclone wind signals saanmang panig ng bansa – PAGASA
Humina pa ang bagyong Tisou habang ito ay nasa bahagi ng West Philippine Sea.
Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng Severe Tropical Storm “Tisoy” sa layong 290 kilometers West Southwest ng Subic, Zambales.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers bawat oras at pagbugsong 115 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong
West Northwest.
Ayon sa PAGASA lifted na ang lahat ng itinaas na tropical cyclone wind signals.
Gayunman, maghahatid pa rin ang bagyo ng katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora.
Maari ding makaranas ng hindi magandang lagay ng panahon sa iba pang bahagi ng Northern Luzon, Central Luzon, CALABARZON at MIMAROPA dahil sa Amihan.
Lalabas ng bansa ang bagyo mamayang gabi o bukas ng umaga.
Inaasahan ding magpapatuloy ang paghina nito dahil sa epekto ng Amihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.