Sa heavy rainfall warning ng PAGASA, alas 10:45 ng umaga ng Miyerkules, Dec. 4 orange warning level na ang nakataas sa sumusunod na lugar:
– Cagayan
– Apayao
– Isabela (San Maria, San Pablo, Delfin Albano, Maconacon, Ilagan City at Cabagan)
Ang nararanasang pag-ulan ay pinagsamang epekto ng bagyong Tisoy at Amihan.
Samantala, yellow warning level naman ang nakataas sa Tumauini at Divilacan sa Isabela.
Nakararanas naman ng katamtamang lakas ng buhos ng ulan ang sumusunod pang mga lugar:
– Isabela (Angadanan, Aurora, Cabatuan, CauayanCity, Gamu, Luna, Mallig, Naguilian, Palanan, Quezon, Quirino, Reina Mercedes, Roxas, San Guillermo, San Manuel at San Mariano)
– Kalinga
Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa:
– Babuyan Island
– Calayan Island
– Camiguin Island
– Dalupiri Island
– Fuga Island
– Ilocos Norte (Adams, Pagudpud at Piddig)
– iba pang bahagi ng Isabela
– Kalinga (Pinukpuk, Rizal at Tabuk City)
– Mountain Province (Natonin at Paracelis)