Pagpasa sa Evacuation Centers Bill iginiit ni Deputy Minority Leader Zarate

By Erwin Aguilon December 04, 2019 - 10:52 AM

Kinalampag ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate ang Kamara na madaliin ang pag-apruba sa panukala na Evacuation Centers Bill.

Ayon kay Zarate, hindi na dapat hintayin pa na may panibago na namang Bagyong Tisoy ang mananalasa sa bansa bago maisip ang pagkakaroon ng matatag at disaster resilient na evacuation centers.

Sa House Bill 5259 ni Zarate, dapat mayroong secure at safe na lugar para sa mga biktima ng kalamidad.

Ang panukalang evacuation centers ay dapat na typhoon, earthquake at disaster resistant, malayo sa mga tent cities at mga open spaces na lantad sa iba’t ibang sakit ang mga evacuees.

Maiiwasan na rin ang paggamit sa mga eskwelahan at mga multi-purpose halls na evacuation centers na kadalasan ay nakatayo pa sa mga danger prone areas.

Itatayo ang mga evacuation centers sa bawat lungsod at lalawigan sa bansa na magsisilbi ring command center para sa disaster response.

TAGS: Deputy Minority Leader Zarate, Evacuation Centers Bill, na House Bill 5259, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Deputy Minority Leader Zarate, Evacuation Centers Bill, na House Bill 5259, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.