Legazpi Airport balik-operasyon na matapos mapinsala ng bagyong Tisoy
Balik operasyon na ang Legazpi Airport ngayong araw matapos mapinsala ng bagyong Tisoy.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Albay Rep. 2nd Dist. Rep. Joey Salceda na handa na muling tumanggap ng flights ang paliparan.
Kinumpirma din ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na mag-ooperate na muli ang Philippine Airlines at Cebu Pacific sa Legazpi Airport.
Ito ay sa kabila ng pinsalang natamo ng paliparan sa bagyong Tisoy na nagresulta sa pagbagsak ng kisame at pagkawasan ng ilang upuan.
Gagamitin na lamang muna ang bahagi ng passenger terminal building ng airport na hindi napinsala.
Magtatalaga din ng mga tauhan para asistihan ang mga pasahero sa check-in at pre-departure areas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.