LOOK: Tulay sa Tuguegarao City, Cagayan binaha

Nalubog sa tubig-baha ang tulay sa Tuguegarao City, Cagayan dahil sa naranasang pag-ulan na dulot ng bagyong Tisoy.

Sa larawan na ibinahagi ng Cagayan Provincial Information office, lubog sa tubig-baha ang Pinacanauan Bridge.

Dahil dito, hindi madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang naturang tulay.

Nilagyan na rin ito ng harang upang matiyak na hindi matatawid ng mga sasakyan.

Ayon sa PAGASA, ang Cagayan, Isabela at Apayao ay nakararanas ng malakas na buhos ng ulan dahil sa bagyong Tisoy.

Read more...