Mga mandarayang negosyante sa bansa yayariin ni Pangulong Duterte

By Chona Yu December 04, 2019 - 08:42 AM

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging madugo rin ang kanyang kampanya sa paghahabol sa mga negosyanteng mandaraya at hindi maayos na nagbabayad ng buwis sa gobyerno.

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa oath taking ng mga bagong talagang opisyal ng gobyerno, sinabi nito na yayariin din niya ang mga mayayaman.

Giit ng pangulo, gusto niyang makita sa loob ng kulungan ang mga mayayaman at makaranas ng mahirap na buhay.

Sinabi pa ng pangulo na hahabulin niya ang mga mayayamang negosyante para hindi na makapangloko ng iba.

Pakiusap ng pangulo sa mga negosyante, huwag na siyang pahirapan at ayusin na lamang ang pagne-negosyo sa bansa.

Kagabi lamang, pinagbantaan ng pangulo ang mga ayala na may ari ng Manila Water at Manny Pangilinan na may-ari ng maynilad na kanyang kakasuhan ng economic sabotage dahil sa mga tagilid na kontrata na pinasok sa gobyerno.

Ayon sa pangulo, kanyang ipaaresto, ipakululong at pagsasampalin ang mga may ari ng manila water at maynilad dahil sa pangloloko sa kanilang mga customer.

TAGS: businessmen, economic sabotage, manila water, PH news, Philippines Breaking news, President Rodrigo Duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, businessmen, economic sabotage, manila water, PH news, Philippines Breaking news, President Rodrigo Duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.