Posibleng maging P6.50 na lang ang pasahe sa jeep sa Central Visayas

By Jay Dones January 22, 2016 - 04:27 AM

 

Mula sa Cebu Daily News

Matapos magbaba ng minimum fare sa mga pampasaherong jeep sa Metro Manila, Region 3 at 4 ngayong araw, posibleng magpatupad na rin ng rollback sa minimum fare sa mga jeepney sa Central Visayas sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Renato Elnar, director ng LTFRB sa Central Visayas, kanilang nakatakda nang talakayin sa January 27 hanggang 29 regional management conference sa Cagayan De Oro ang petisyon para sa pisong bawas sa minimum fare sa jeep sa naturang rehiyon.

Sakaling maaprubahan ng LTFRB-7 magiging P6.50 na lamang ang pasahe sa unang apat na kilometro sa Cebu, samantalang P7.50 naman sa unang limang kilometro sa Bohol at Siquijor.

Sa Cebu aniya una nang inumpishaan ang pagpapatupad ng siyete pesos na minimum fare sa jeep matapos ang P0.50 centavo provisional reduction doon.

Ang regional management coneferene ay inaasahang dadaluhan ni LTFRB Chairman Winston Ginez.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.