Doktor na nasa viral road rage videos ipinatawag sa LTO

By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2019 - 06:41 AM

Nagpalabas ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa driver na isa ring doktor at a driver na nasa viral road rage videos.

Dalawang road rage incident ang viral sa social media kung saan makikita ang sinasabing doktor nakikipag-away sa kapwa motorista.

Inatasan ng LTO si Tomas Joaquin C. Mendez na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) sa LTO Central Office sa East Avenue, Quezon City sa December 5, 2019, alas 2:00 ng hapon.

Pinaghahain din siya ng Sworn Explanation sa inilabas na show cause order at pinagpapaliwanag kung bakit hindi dapat managot sa ilalim ng Section 27 ng Republic Act No. 4136 o Land Transportation and Traffic Code.

Sa ilalim ng Section 27 may kapangyarihan ang LTO na suspindihin o bawiin ang driver’s license kung ang nagmamay-ari nito ay mapapatunayang hindi karapat-dapat.

Base sa mga video na kumalat, pinagsasalitaan ng hindi maganda ni Mendez ang mga motorista na nakatalo niya sa kalye.

TAGS: Land Transportation and Traffic Code, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, viral doctor driver, Land Transportation and Traffic Code, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, viral doctor driver

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.