1 patay sa pananalasa ng Bagyong Tisoy sa Camarines Sur

Patay ang isang lalaki makarang makuryente habang nag-aayos ng bubong sa Camarines Sur.

Ayon sa Libmanan Municipal Police Station, kinukumpuni ni Marco Paolo Ursua, 33 anyos ang kanilang bubong bilang paghahanda sa bagyong Tisoy.

Nadikit umano si Ursua sa bukas na wire kaya siya nakuryente.

Mula sa bubungan ay nahulog si Urusua sa ibaba malakit sa kanal.

Umabot sa dalawampu’t dalawang barangay ang binaha sa Camarines Sur province at sa Naga City dahil sa bagyo.

Read more...