Drake, itinanghal na ‘most streamed artist of the decade’ ng Spotify
Itinanghal na ‘most streamed artist of the decade’ ng Spotify ang rapper na si Drake.
Ayon sa Spotify, sa nakalipas na isang dekada o sampung taon, si Drake ay nakakuha ng mahigit 28 billion streams.
Magkakasunod naman sa pangalawa hanggang panglimang pwesto sina Ed Sheeran, Post
Malone, Ariana Grande at si Eminem.
Ang kanta ni Sheeran na “Shape of You” ay nagwagi naman bilang ‘most streamed track of the decade’ matapos makakuha ng 2.3 billion streams.
Si Post Malone naman na ang most-streamed artist for 2019 na mayroong mahigit 6.5 billion streams.
Ang most streamed song para sa taong 2019 ay ang kantang “Senorita”.
Ang Spotify ay nilikha noong 2006 at noong 2010 ay wala pang isang milyon ang paying subscribers nito kumpara sa kasalukuyang 113 million.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.