Nilagdaang RA No. 11463 o Malasakit Center Act maituturing na landmark law
(UPDATE) Isa nang ganap na batas ang panukala na naglalayung i-institutionalize ang Malasakit Centers at ang pagpapaliban ng May 2020 barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections sa December 2022.
Iyan ay makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang mga panukalang batas sa ceremonial signing na ginanap sa palasyo ng Malakanyang Martes ng gabi December 3, 2019.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na siya ay “nagagalak at nagpapasalamat” sa naturang dalawang batas na aniya’y “vital in realizing meaningful and lasting reform for the good of our nation.”
Ang dalawang batas na unang nakapasa sa 18th Congress ay parehong major items sa legislative agenda ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go noong panahon ng kampanya.
Ito rin ang mga panukala na inihain ng senador noong Hulyo matapos siyang manungkulan bilang senador.
Itinuturing bilang landmark piece of legislation, ang Republic Act No. 11463 o mas kilala sa tawag na Malasakit Center Act of 2019, mandato nito na magtatag Malasakit Centers sa 73 hospitals na pinatatakbo ng Department of Health (DOH) sa buong bansa at sa Philippine General Hospital in Manila.
Sa kanyang mga nagdaang mensahe, sinabi ni Go “The Malasakit Center is one of the solutions the Duterte government has developed to provide quick and quality access to healthcare to all Filipinos, regardless of their age, sex, ethnic background, religion and political affiliation”
Layon ng Malasakit Center na maging one-stop shop, mag-consolidates ng financial assistance na aaplayan ng mga pasyente mula sa apat na ahensiya ng gobyerno katulad ng DOH, Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
“With the Malasakit Center Act in place to complement the Universal Health Care Law, we are a step closer towards making quality health care more accessible and affordable for all Filipinos, especially the indigent and poor patients in need of medical assistance from the government,” ayon sa senador.
Naghayag naman si Go nang kagalakan ilang oras bago ang ceremonial signing ng mga naturang batas habang siya ay dumadalo sa pagbubukas ng 52nd Malasakit Center sa bansa sa Ospital ng Malabon sa Malabon City.
Ayon pa sa kanya, “Pera niyo po ito. Ibinabalik lang sa inyo sa pamamagitan ng mabilis, maayos at maaasahang serbisyong medikal para sa lahat ng Pilipino”
Sa iba’t ibang okasyon na kanyang dinadaluhan ay binibigyan mismo ng pangulo ng kredito si Go sa pagbibigay sa kanya ng ideya na magbukas ng Malasakit Centers, habang nagsisilbi pa lamang itong Special Assistant to the President.
Si Go ang nag-sponsor ng Malasakit Center Bill sa senado, habang ang kanya namang panukala na ipagpaliban ang halalang pam-Baranggay ay isinama sa panukala ng ibang mga senador.
Samantala, ang Republic Act No. 11462, ay nagtatakda sa susunod na Baranggay at SK elections mula sa ikalawang lunes ng Mayo ng 2020 patungo sa December 5, 2022, at ang unang lunes ng December 2025 at nakalipas ang kada tatlong taon. Pinalawig din ng batas termino ng mga kasalukuyang Baranggay at SK officials mula sa dalawang taon patungo sa apat na taon.
Paliwanag ni Go, “Mga barangays natin ang pinaka-frontline ng ating gobyerno sa paghahatid ng serbisyo at sa kampanya natin laban sa iligal na droga at kriminalidad. Kaya dapat lang na mabigyan natin sila ng oportunidad at sapat na oras upang makapagpatupad ng kani-kanilang mga programa at proyekto”
Una nang hiniling ng Pangulo sa kongreso sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address noong July 22, 2019 na iprayoridad ang naturang dalawang panukalang batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.