Pakistani Taliban, itinakwil ang paksyon na nasa likod ng university attack

By Kathleen Betina Aenlle January 22, 2016 - 04:13 AM

 

Bacha khan1Itinakwil ng Pakistani Taliban ang paksyon na nasa likod ng madugong pag-atake sa isang unibersidad na ikinamatay ng 20 katao.

Ayon sa kanilang tagapagsalita na si Mohammad Khurasani, ‘un-Islamic’ ang ginawa ng grupo, at sabay iginiit na may kinalaman ang Pakistani Taliban sa insidenteng naganap sa isang bayan malapit sa Pershar city.

Hindi pangkaraniwan ang ganitong pahayag mula sa Taliban na kilalang konektado sa maraming iba pang paksyon o mas maliliit na grupo.

Itinanggi rin ni Khurasani na siya ang nag-endorso sa pag-ako umano sa pag-atake na inihayag ng isang militanteng lider na si Khalifa Umar Mansoor.

Kinondena ito ni Khurasani, naniniwala ang Taliban na ang mga kabataan at mga estudyante ang magtataguyod ng jihad movement sa hinaharap.

Aniya pa, marapat lang na iharap sa Islamic o Sharia court ang mga may pakana sa insidenteng ito.

Wala rin aniyang kinalaman dito ang pinuno ng Pakistani Taliban na si Mullah Fazlullah, at wala aniya silang balak patayin ang kanilang mga magiging tagasunod balang araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.