P1M halaga ng shabu nasabat sa buy-bust sa QC

By Rhommel Balasbas December 04, 2019 - 05:35 AM SHARE(S):

Nakumpiska ng Batasan Police ang aabot sa P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Brgy. Old Balara, Quezon City, Miyerkules ng madaling-araw.

Ayon kay Batasan Police chief Lt. Col. Romulus Gadaoni, arestado ang apat na lalaki sa operasyon.

Target nito ang 21-anyos na estudyateng si alyas ‘Pandoy’.

Nabilhan ng police poseur buyer ang suspek ng P50,000 halaga ng shabu gamit ang boodle money.

Itinuturing ang suspek na high-value-target o HVT ng Batasan PNP.

Ayon kay Gadaoni, hindi bababa sa kalahating kilo ng shabu kada linggo ang nabebenta ni Pandoy.

Aabot sa 150 gramo ang bigat ng shabu ang nakumpiska sa operasyon.

Ang tatlong iba pang naaresto ay parokyano ng suspek.

TAGS: brgy. old balara, quezon city, shabu buy bust, War on drugs, brgy. old balara, quezon city, shabu buy bust, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.