Bahagi ng Pampanga, Zambales, at Bataan uulanin sa susunod na mga oras

By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2019 - 05:28 AM SHARE(S):

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras sa ilang bahagi ng Pampanga, Zambales at Bataan.

Ayon sa rainfall advisory ng PAGASA na inilabas alas 5:00 ng umaga ng Miyerkules (Dec. 5) mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Floridablanca, Pampanga; mga bayan ng San Antonio, Subic, Olongapo, Castillejos, San Marcelino, San Narciso, San Felipe at Cabangan sa Zambales at sa buong lalawigan ng Bataan.

Aasahan din ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Tarlac at NUeva Ecija at at sa iba pang bahagi ng Pampanga at Zambales.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na maging alerto at maging maingat sa posibleng pagbaha.

TAGS: bataan, Pampanga, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, zambales, bataan, Pampanga, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.