Sa panalangin, hiniling ng Cardinal sa Diyos na himukin ang mga Filipino na magdamayan ngayong panahon ng sakuna.
Narito ang panalanging inilabas ni Tagle:
Mapagmahal na Ama, kinikilala at sinasamba Ka namin. Batid Mo ang pangamba ng maraming Pilipino dahil sa pagpasok ng bagyong Tisoy sa aming bansa. Pahupain nawa ng Inyong mapagpalang kamay ang hangin at ulan. Ilayo po ninyo sa panganib at sakuna ang mga pamilya, lalo na ang mga dukha. Himukin mo kaming magdamayan. Patuloy nawa naming alagaan ang kalikasan at bawa’t kapwa-tao. Dinadalangin namin ito sa ngalan ni Jesukristong Anak Mo, kasama ng Espiritu Santo, iisang Dios na Maylikha, Amen.
Luis Antonio G. Cardinal Tagle
Archbishop of Manila
Samantala, ang Caritas Manila, ang social action arm ng Archdiocese of Manila, ay nananawagan ng donasyon para sa relief operations sa mga biktima ng bagyo.
Sa pahayag, sinabi ng Caritas na kailagan ang mga food donations tulad ng bigas, munggo, asukal, asin, pancit, malunggay, kalabasa, bihon, canned vegetable at dried fish.
Kailangan din ang non-food items tulad ng tubig, hygiene kits, mats, blankets, towels, damit, bagong underwear at mga gamit sa pagkumpuni ng bahay.
Maaaring dalhin ang donasyon sa Caritas Manila office sa 2002 Jesus St. Pandacan, Manila.
Pwede ring magbigay ng cash donations sa bank accounts na makikita sa Facebook page ng Caritas Manila.
Una nang binuksan ang mga simbahan sa Diocese of Legazpi upang magsilbing evacuation centers para sa mga biktima ng bagyo.