30 pulitiko sa Davao del Sur, minultahan ng COMELEC

By Kathleen Betina Aenlle January 22, 2016 - 04:21 AM

 

comelecHindi bababa sa 30 pulitikong kumandidato noong 2013 elections sa Davao del Sur ang minultahan ng Commission on Elections (COMELEC) dahil sa hindi pagsusumite ng kanilang statements of election contribution and expenditures (SOCE) o kaya naman ay kulang ang mga ipinresentang supporting documents.

Ayon sa election supervisor ng lalawigan na si Ma. Febes Barlaan, kasama sa mga namultahan ay ilang miyembro ng prominenteng pamilya ng Cagas.

Ani Barlaan, ang dating governor na si Douglas Cagas na tumakbong mayor sa Digos City ay kanilang minultahan dahil sa kulang-kulang na attachment sa kaniyang isinumiteng SOCE.

Karamihan aniya sa mga namultahan ay mga kinulang sa supporting documents.

Halos lahat ng mga kumandidato ani Barlaan ay namultahan maliban lang sa mga miyembro ng pamilya Bautista.

Ayon naman sa election officer ng bayan ng Matanao na si Rosemarie Paguirigan, pinagbayad ng multa ang kanilang provincial board member na si Lani Gabutero na nagkakahalagang P8,000 dahil sa hindi kumpletong supporting documents.

Dahil naman sa hindi pagsusumite ng acknowledgment receipt para sa mga donated campaign materials, pinatawan rin ng multa si acting Mayor Elmer Javelona.

Hindi naman aniya masisisi ang COMELEC sa pagpapataw ng multa dahil matagal ang ibinigay nilang panahon para sa mga pulitiko para isumite ang mga kaukulang dokumento.

Nag-extend pa nga aniya ng deadline ang COMELEC para sa filing ng mga SOCE ng mahigit isang taon dahil imbis na June 13, 2013, iniurong pa ito hanggang June 30, 2014.

Layon nitong bigyan ng leksyon ang mga pulitiko na dapat silang sumunod sa mga patakaran ng COMELEC.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.