Naga City isinailalim sa state of calamity dahil sa Bagyong #TisoyPH
Idineklara ang state of calamity sa Naga City, Camarines Sur bunsod ng pananalasa ng Bagyong Tisoy.
Kahapon, araw ng Martes (Dec.3), inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang Resolution No. 2019-484 na naglalagay sa Naga City sa ilalim ng state of calamity.
Isa ang Naga sa mga pinakanakaranas ng hagupit ng Bagyong Tisoy nang mag-landfall ito sa Sorsogon, noong Lunes.
Dahil sa deklarasyon ng state of calamity, magagamit na ng lungsod ang 30% ng calamity fund nito par tulungan ang mga naapektuhan ng bagyo.
Batay sa abiso ng lokal na pamahalaan, nadadaanan na ngayon ang lahat ng pangunahing kalsada sa lungsod at humupa na rin ang mga baha.
Nagsibalikan na rin sa kani-kanilang mga tahanan ang evacuees.
Gayunman, mananatiling suspendido ngayong Miyerkules ang pasok sa eskwela sa lahat ng antas sa lungsod.
Magsasagawa ngayong araw ang lahat ng City Hall officials at personnel ng clean up drive.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.