Bagyong Tisoy patuloy sa paghina, mga lugar na nasa signal no.3 nabawasan
Patuloy ang paghina ng Bagyong Tisoy matapos ilang beses na tumama sa kalupaan.
Ayon sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 180 kilometro Kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro.
Taglay na lamang nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 km bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 km kada oras.
Kumikilos ito pa Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 km kada oras.
Nakataas na lang ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 3 sa:
– Northern Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Looc, Lubang, Mamburao, Paluan) kasama ang Lubang Island
TCWS no. 2 sa:
– Oriental Mindoro
– Batangas
– nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro
– Cavite
– Laguna
– Rizal
– Bataan
– Metro Manila
– southern Bulacan (Balagtas, Bocaue, Bulacan, Calumpit, Guiguinto, Hagonoy, Malolos City, Marilao, Meycauayan City, Obando, Paombong, Plaridel Pulilan)
– southern Pampanga (Floridablanca, Lubao, Macabebe, Masantol, Sasmuan)
– southern Zambales (Castillejos, Olongapo City, San Antonio, San Felipe, San Marcelino, San Narciso, Subic)
– Calamian Islands (Coron, Busuanga, Culion, Linapacan)
– at western portion of Quezon (Dolores, Tiaong, Candelaria, Sariaya, San Antonio)
TCWS no. 1 sa:
– Southern Nueva Ecija (Cabanatuan City, Cabiao, Gabaldon, Gapan City, General Tinio, Jaen, Laur, Palayan City, Peñaranda, San Antonio, San Isidro, San Leonardo, Santa Rosa, Aliaga, Licab, Zaragoza)
– northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, Dumaran, municipalities in Cuyo Islands)
– Tarlac
– northern at central portions ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Sampaloc, Lucban, Tayabas, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Plaridel, Unisan, Gumaca, Pitogo, Macalelon, General Luna, Perez, Alabat, Quezon)
– western Romblon (Concepcion, Banton, Corcuera, San Jose, municipalities in Tablas Island)
– Marinduque
– nalalabing bahagi ng Zambales
– nalalabing bahagi ng Pampanga
– nalalabing bahagi ng Bulacan
– Northwestern Antique (Caluya)
Ngayong Miyerkules (December 4), mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay may kalakasang pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora at Quezon.
Mahina hanggang katatamtaman na may panaka-nakang malalakas na pag-ulan ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Central Luzon at CALABARZON.
May posibilidad pa rin ng mga pagbaha at pagguho ng lupa ngunit wala nang banta ng storm surges.
Bukas, Huwebes (December 5) inaasahang nasa labas na ng Philippine Area of Resposibility (PAR) ang bagyo.
Nakataas ang gale warning at nananatili namang mapanganib ang paglalayag at sa mga lugar na nasa TCWS, seaboards ng Northern Luzon, Central Luzon, at Visayas, at eastern at western seaboards ng Southern Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.