PCG: Higit 5,000 pasahero stranded sa mga pantalan

By Rhommel Balasbas December 03, 2019 - 11:35 PM

Umabot sa 5,024 ang pasaherong stranded sa mga pantalan sa buong bansa hanggang alas-8:00 ngayong gabi ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa PCG, ang stranded passengers ay mula sa mga pantalan sa Central Visayas, Southern Tagalog, Western Visayas, Bicol at Eastern Visayas.

Samantala, suspendido ang operasyon ng 1,321 rolling cargoes, 42 vessels at 42 motorbancas.

Pansamantala ring nakahinto ang 215 vessels at 279 motorbancas.

Tiniyak ng PCG ang istriktong pagpapatupad ng mga panuntunan sa pagbiyahe ng mga sasakyang pandagat sa kasagsagan ng masungit na panahon.

TAGS: #TisoyPH, Bagyong "Tisoy", Philippine Coast Guard (PCG), stranded passengers, #TisoyPH, Bagyong "Tisoy", Philippine Coast Guard (PCG), stranded passengers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.